Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Enero, 2018
Op7 Editorial Cartoon Blancaflor Mark Bj
Op 6 Talumpati Blancaflor Mark Bj
Op 5 bionote Blancaflor Mark Bj
Op 4 Kasaysayan ng Saint Augustine School Blancaflor mark Bj
Op 3 Sistesis Blancaflor Mark Bj.
Op 1 Proseso ng Pagsulat Blancaflor Mark Bj.

Op bilang pito: Editorial Cartoon

Ang mahalagang isyung tinutukoy sa aking editoryal cartoon ay ang mga trahedyang nangyayari sa laot. Marami sa atin ng napapatanong kung ano ang dahilan at biglang lumulubig ang mga sasakyang pandagat. Isa narito ang Mercraft na bago lamang nangyari ang paglubog noong nakaraan lamang. Patungo ito sa polilo island na mayroong dalawang daan at limang put isa (251) at mayroong pito (7) na crew men. Ayon sa PGC o Philipine Coast Guard sa araw na iyon ay walang nakaanunsiyong bagyo sa lugar at hindi rin daw overload ang barko. Pero nang may dalawang oras na ang naglayag biglang lumubog ang Mercraft. Sa aking opinyon kailangang maimbestigahan ang pangyayaring ito para hindi na maulit pa ang trahedya. Sapagkat ayon sa PGC, kung wala namang sama ng panahon at hindi overload, sa aking palagay ay maaaring hindi na seaworthy ang Mercraft kung kaya't bigla na lamang itong lumubog. Na katulad ng Doña Paz Tragedy kung saan sariwa pa sa ating isipan kung saan Apat na libo (4000) ang namatay. Nawa...

Op bilang anim: Spoken Poetry

ILUSYON  Nag-umpisa sa pagsalubong ng dalawang mata Habang nag-iisa ay nakita kang walang kasama At duon nagtagpo tayong dalawa Ngunit ang tanong, Ipinagtagpo ba talaga tayong dalawa? O, Ipinagtagpo lang pero hindi para sa isa't isa. Nagkakasama, nagkikita ngunit hindi lubusang kilaka ang bawat isa Hanggang sa tadhana na ang gumawa, Gumawa ng daan para lubusan kang makilala. At sa paglalim ng pagsasama Lumalalim din ang nararamdaman sa bawa't isa. Ilang araw ang lumipas noong magkasama Masasayang ala-ala ang ating nagawa Bawat mga salitang lumalabas sa iyong bibig 'Di ko mapigilang maniwala at kiligin. Ngunit sa isang iglap, lahat ay nag iba At para bang may nagbago sa ating dalawa Ikaw ba ito? O ako? O baka tayo? Ay oo nga pala! Nakalimutan ko, Wala nga palang tayo Dahil lahat ng ito ay isang malaki lamang kahibangan at Ilusyon. Ang pait na marinig galing sa bibig mo Na wala ng hihigit pa sa salitang "Magkaibigan lang tayo!" Lu...

Op bilang lima: Bionote

    Si Marichou Salugsugan ay tubong Julugan Tanza, Cavite. Siya ay anak nina ginoong Florencio Salugsugan at ginang Mila Salugsugan. Siya ay nagtapos ng Elementarya sa Mababang Paaralang Elementarya ng Julugan noong taong dalawang libo't-labing dalawa (2012) at nagtapos sa Kataas taasan ng paaralan ng TNCHS o mas kilala sa tawag na Tanza National Comprehensive High School sa taong dalawang libo't labing anim (2016). Siya ay nagkamit ng karangalan ng ikaanim na puwesto sa pagkakaroon ng mataas na grado.     Sa kasalukuyan siya ay nag aaral sa kataas taasan ng San Augustine at kumukuha ng "Strand" na STEM o mas kilala bilanf Science, Technology, Engineering and Mathematics.

Op bilang apat: Ang kasaysayan ng Saint Augustine School

   Ang Saint Augustine ng Tanza, Cavite ay ipinangalan pagkatapos ng "Towns Patron Saint". Ang Saint Augustine ay kilala rin sa tawag na "Tata Osteng" noong February 14, 1969. Ayon kay monsignore Francisco V. Domingo, isa sa mga namuno nito ay si Sr. Ranin ngunit lumisan din ito. Kasunod nito ang namuno naman noong 1971 ay si Sr. Matilde. Namuno ito bilang isang principal sa loob ng dalawang taon habang si Se. Ma. Leona naman ay naging principal sa ng Elementarya. Noong 1972 hanggang 1973. Sa kasalukyan ang Saint Augustine na logo at dinisenyo naman ni Norgin Mulina, isa sa mga estudyante noong 1958 kasama ang kaniyang guro na si Mr. Lusto R. Cabihay Jr. Ang salitang latin na nasa gilid ng logo ay ibig sabihin 'Si possunt cur non ego' na sa english ay "If they can, why can't I". Ito ay kilalang panipi ng eskwelahan at ito ay simbolo rin para sa kahusayan, kasiyahan at katuoaran sa Diyos. Ang Saint Augustine ay mas kilala para sa paaralang pagla...

Op bilang tatlo: Sintesis #1(Kronolohikal)

"Titser Annie"  Ang nakapaloob sa aking napanood ay tungkol sa isang guro na nagngangalang titser Annie at titser Cristel. Sila ay nailagay o naidestino sa sitio labo upang magturo sa isang pribadong paaaralan kung kaya't malaki ang pagbabago niyang ginawa sapagkat malayong malayo ang buhay na nakagisangan nila sa buhay ng kabihasnan sa buhay kabundukan. Anim na pu't-isang ilog at bundok na tarik at putim ang tinatawid ni titser annie upang makapunta sa Labo Elementary School. Walang takot niya itong sinusuong upang maturuan ang mga mamamayan  sa sitio labo. Sa gitna ng aking napanood ay may isa g dalaga ang nakapukaw ng atensyob ng miyembro nila Kara David. Ito ay si Dina. Siya ay dalawangpo na taong gulang. Siya ay anak ni Vilma na buto't-balat at may sakit na dahil sa katandaan ay di na rin  makalakad. Tatlong araw sa isang linggo lamang kung pumasok si Dina sapagkat siya ang tumatayong ina at ama sa kaniyang mga kapatid. Sinusuong niya ang liblib at tarik ...

Op bilang dalawa: Deskriptibong Abstrak

                                "Epekto ng paglalaro ng computer games"           Sa pagdaan ng panahon mas umuunlad at nagkakaroon ng iba't-ibang paglago ay pagbabago sa paggamit ng mga Electeonic Devices na nagiging dahilan upang mas mapadali para sa atin n gawin sa mabilis, maayos at mabisang paraan ang ating mga pang araw-araw na gawain. Ang compute ay masasabing isang pinakamagandang nilikha ng tao para sa kaniyang sarili. Isa itong aparato na gumagawa ng trabaho ng tao sa mabilis at mabisang paraan. Ang abacus ay maituturing na computer noong unang panahon, sapagkat ang layunin nito ay mapadali ang kalkulasyon ng mga mangangalakal. Kung susuriin hindi na maituturing na computer ang abacus dahil sa pagusbong ng mga makabagong teknolohiya. Sa panahon natin ngayon maraming mga labas na teknolohiya ngunit masasabing ang computer ang mas kilala at mabisa. Sapagkat sa paggamit nito...

Op bilang Isa: Proseso ng pagsulat

   Sa pagbuo ng sulatin, may mga prosesong sinusundan at ginagawa ang mga manunulat upang maisagawa ang mga mahahalagang bahagi sa pagbuo ng isang sulatin. Ang pagsulat ay isang instrumentong ginagamit sa pagpapahayag ng mga ideya, damdamin, kaisipan at iba't-ibang larangan sa pagbuo ng isang sulatin. Ito rin  ay daan upang magkaroon ng isang malinaw na komunikasyon sa bawat isa. Ayon sa pagpapakahulugan, ang pagsulat ay isang sistema ng komunikasyong interpersonal na kung saan gumagamit ng simbolo at isinasalin gamit ang papel at panulat.      Ang pagsulat ay isang resiprokal na proseso ng pakikipag komunikasyon na kung saan naipahahatid ng isang manunulat ang nais niyang ipabatid sa kanyang mga mambabasa. Ngunit umiinog ang pagsulat sa mga paksa, tema, at mga tanong na dapat mabigyang sagot para sa mga mambabasa upang mas malinaw na maipahatid ang mensahe. Nararapat lamang din na ang manunulat ay umaayon ang kaniyang ginagawang sulatin sa kaniyang i...
Matriano, Giorgio Armani C. Op 7       Ang larawang ito ay nagpapakita na ang ating bansa ay hindi patas sa bawat isa. Lalong lalo na sa may kapangyarihan at sa ordinaryong tao lamang. Ito ay isang malaking isyu sa ating bansa na kung saan ang mga may kapangyarihan ang nananaig.      Ako ay hindi sang ayon sa mga hindi patas na tao na may kapangyarihan at ang mga nasa gobyerno.Dahil sinasamantala nila ang ating kaban ng bayan ,ninanakaw nila ito upang gamitin para sa kanilang pang personal na bagay.     Kaya ang mga mamamayan na walang alam dito ay kanilang pinapaikot sa kanilang mga propaganda na maglilinis ng kanilang tunay na motibo.Ngunit may iba rin na nakikita ang ginagawa ng mga nasa puwesto na hindi patas ay wala naman silang magawa dahil hindi nila kayang labanan ang mga taong may kapangyarihan.     Kaya kung tayo ay magboboto ng mga tao na ilalagay natin sa mataas na pusisyon, tignan nating maigi kung ang mga tao ba na ito...
Matriano, Giorgio Armani C. Op 6          Tropapits Sa mundong ating ginagalawan, may mga bagay na dadating ay mawawala. Ito ang ating mga tropa na ating maaasahan , makakapitan o handang dumamay kapag tayoy may problema. Eto na, nalalapit nanaman ang ating paghihiwalay, tayo ay gagraduate na . Parang kelan lang ay masaya tayong nakikipag kilal sa bawat isa. Trip dito, trip doon, kwentuhan dito, kwentuhan doon, yan lang ang ating ginagawa kapag tayo ay mag kakasama. Minsan ay may tampuhan ngunit hindu maiiwasan lalo na kapag napagtripan talaga at kapag nag tampo ay sasabihan ka ng tatampo ka? kumalas ka. Ngunit kahit na ganito ay nandyan parin ang tropa na handang dumamay para sayo. Kaya sa nalalapit na ating paghihiwalay gusto ko lang sabihinsa inyo na salamat sa mga memories na madadala natin sa ating pag tanda. True friends dont count things they count memories.
Matriano, Giorgio Armani C. Op 5     Si Giorgio Armani C. Matriano, ay tubong Tanza , Cavite. Siya ay nag tapos ng elementary sa julugan elementary school kung saan siya ay natuto ng ibat ibang bagay. Siya ay nag tapos ng secondary sa Saint Augustine School noong 2016. Siya ay isang Choir sa kaniyang paaralan kung saan ginagamit nya ang kanyang talento upang maglingkod sa Diyos.     Sa kasalukuyan siya ay nag aaral sa Saint Augustine school Senior highschool na kumukuha ng Akademikong programa na Stem at siya ay nangangarap na maging isang Inhinyero sa larangan ng panghimpapwid
Matriano, Giorgio Armani C. Op 4    Ang kasaysayan ng Saint Augustine School    Ang paaralang Saint Augustine sa Tanza ay isang paaralang ipinagalan sa kanilang patron na si Saint Augustine o sa mas kilalang tawag na si Tata Usteng. Ito ay itinatag ni Fr. Monsignor Francisco V. Domingo noong ika 14 ng febrero 1969.     Ang paaralang ito ay nagbibigay ng pang katolikong kalidad ng pag aaral kung saan tinuturuan nila ang mga kabataan kung paano maging isang mabuting katoliko at responsableng mamamayan. Ito ay nagbukas noong hunyo taong 1969 at nag alok ng kinder at grade one na klase.Noong 1971 ay nagpatayo na sila ng highschool building at kinalaunan ay isinunod nila ang kanilang unang court, ang basketball court.     Sa kasalukuyan , ito ay meron ng Senior highschool na campus kung saan ito ay itinayo noong 2016. Ito ay may higit na 200 estudyante noon ngunit ngayon ay nasa higit 800 na.     Sa panahon ngayon, masasabi na ang pagta...
Matriano, Giorgio Armani C. Op 3          Titser Annie    Sa unang bahagi ng palabas na ito ay naglalakad si titser annie sa kabubatan ng Mindoro kung saan sya ay tutungo sa eskwelahan kung saan may mga batang nag aabang sa kanya.     Sa ikalawang bahagi ay dahil sa kahirapan marunong silang mag bigayan kung saan ay hindi nila pinapabayaan ang bawat isa. Dahil dito natutunan ni Titser annie na tanggapin kung ano sila.     Sa ikatlong bahagi ay biglang umuwi si Dina dahil kailangan nyang alagaan at tulungan ang kaniyang ina dahil ito ay may sakit at sya lang ang aasahan nito.    Sa huling bahagi ay pwede nang pumunta si titser annie sa kapatagan ngunit mas pinili nya na ipagpatuloy ang kanyang nasimulan dahil naniniwala sya na may pag asa ang kanyang pag sasakripisyo.
Matriano, Giorgio Armani C. Op 2         Karanasan ng isang Batang Ina     Ang layunin ng pananaliksik na ito ay mapahalagahan ang mga kabataan dahil sila ang pag asa ng bayan at mabatid kung ano ano ang mga pinagdadaanan ng mga kabataang nabuntis o mga batang ina sa anim na aspeto, emosyonal, espiritwal ,mental ,pinansyal, relasyon at sosyal. Ang batang ina ay isang kabataan na maagang napasok sa isang mabigat na responsibilidad ng pagiging magulang sa murang edad.
Matriano, Giorgio Armani C. Op 1     Ang pagsulat ay isang sistema ng komunikasyonng interpersonal na gumagamit ng simbolo at isinasalin gamit ang pormal o matinong papel at panulat.     Sa pagsulat sa paksa at tema iikot o nakatuon ang iyong isinusulat at ito din ang iyong basehan kung ano ang mga dapat at kung tungkol saan ang iyong sulat . Sa pagsulat din ay napahihiwatig natin ang mga gusto nating ipahiwatig o sabihin dahil ang pag sulat ang bumubuhay at humuhubog sa kaganapan ng ating paggiging tao. Nakatutulong ang paksa at tema upang makabuo ng ibat ibang pangungusap upang mapaabot ang mensahe.     Sa panahonng moderno, hindi na natin masyadong binibigyang importansya ang pagsulat.Dahil sa panahon ngayon mas gusto nanating gumamit ng internet upang madagdagan ang ating kaalaman.
Sulatin 4   Posisying Papel 1. Wikang Filipino bilang mandatory na wikang panturo sa kolehiyo. 2. Upang malaman ang ibat ibang opinyon ukol dito. 3. Mailahad ang mga nais sabihin o iparating upang mapagtibay ang iyong posisyon. 4. Maipaglaban o mapanindigan ang opinyon na may malakas na ibidensya. 5. Mahalaga, dahil sa mambabasa nakasalalay kung ang posisyon mo ay angkop at kung ito ay may sapat na ibidensya. 1. Wikang Filipino, mabisang panturo sa kolehiyo. 2. Nailahad ang magagandang dulot ng pag gamit ng wikang Filipino bilang panturo sa kolehiyo. 3. Inilahad niya ang mga ebidensyang mas makabubuti ng pag aaral ng isang kolehiyo. 4. Naniniwala silang hindi lang sa institusyon ituro ang Filipino,kundi sa buong bansa upang mapahalagahan ang ating sariling wika. 5. Ako, ay sumasang ayon sa pag gamit ng wikang Filipino bilang panturo sa kolehiyo dahil hindi lahat ng tao sa ating bansa ay marunong mag ingles. Matriano, Giorgio Armani C.
Sulatin 3     Ang talumpati ay pagsasalita sa maraming tao na may pinaglalaban, nangangatwiran at tumatalakay sa nasabing paksa. Kung susulat ng isang talumpati ay dapat nakapupukaw ito ng interes, ng mga taga pakinig at nailalahad ng ayos ang mga impormasyon. Dapat isa  alang alang ang mga tagapakinig sa pagtatalumpati upang hindi mawala ang kawilihan at interes ng mga tagapakinig at pagbibigay ng magandang mensahe. Sa binasang teksto ay ginamit ng mananalumpati ang isinaulong talumpati kung saan ito ay isinusulat muna at pagkatapos ay isinasaulo ng mananalumpati. Upang masiguro ng mananalumpati na napupukaw niya ang atensyon at interes ng tao ay mag isip g mga teknik sa pagsulat o pagbigkas nito upang maaliw ang mga tagapalkinigkinig . Matriano, Giorgio Armani C.
Sulatin 2 Pangalan: Giorgio Armani C. Matriano Kapanganakan: Sept 13, 1999 Edad: 18 Kasarian: lalaki Magulang Ina: Maricar Matriano Ama: Dennis Matriano Tirahan: Blk 6 L9 Hauskon Homes, Julugan, Tanza Cavite Antas ng edukasyon sa kasalukuyan: Grade 12 Mga asignaturang kinawiwilihan: Physics Math History Mga kinahihiligang gawain: basketball Mga natatanging kasanayan: Multi tasker Pinapangarap na propesyon: aeronautical engineer Matriano, Giorgio Armani C.
Sulatin 1          Ang Kwentong loob ng tagalabas       Ang abstrak na ito ay nag bibigay impormasyon na may ibang doktor sa pangpublikong ospital na gumagawa ng hindi etikal na gawain sa kanilang pasyente at kasamahan nila sa propesyon. Matriano, Giorgio Armani C.
Journal 1 Nov 15 2017    Importansya ng akademikong  pagsulat   Ang akademikong pag sulat ay isa sa mga pinakamahalagang output o dapat na matutunan ng isang mag aaral. Ito ay isang sistematikong pagsulat na may prosesong dapat sundin upang ito ay magawa. Ito din ay karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan.   Ang akademikong pagsulat ay mahalagang matutunan dahil ito ay nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa pag buo ng sulatin. Ang pag buo ng ganitong sulatin ay nakadepende sa kritikal na pag basa ng isang indibiduwal. Ito ay may ibat ibang katangian na ating magagamit sa ating pang araw araw na buhay. Tulad ng pag sulat ng pormal na ginagamit natin sa eskwela. Tulad ng pananaliksik o posisyong papel. Sa pag aaral ng akademikong sulatin napapataas nito ang antas ng ating kaalaman.  Natututo tayong suriin aang bawat impormasyon na ating nakalap.   Sa panahon ngayon h...