Journal 1
Nov 15 2017

   Importansya ng akademikong  pagsulat

  Ang akademikong pag sulat ay isa sa mga pinakamahalagang output o dapat na matutunan ng isang mag aaral. Ito ay isang sistematikong pagsulat na may prosesong dapat sundin upang ito ay magawa. Ito din ay karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan.
  Ang akademikong pagsulat ay mahalagang matutunan dahil ito ay nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa pag buo ng sulatin. Ang pag buo ng ganitong sulatin ay nakadepende sa kritikal na pag basa ng isang indibiduwal. Ito ay may ibat ibang katangian na ating magagamit sa ating pang araw araw na buhay. Tulad ng pag sulat ng pormal na ginagamit natin sa eskwela. Tulad ng pananaliksik o posisyong papel. Sa pag aaral ng akademikong sulatin napapataas nito ang antas ng ating kaalaman.  Natututo tayong suriin aang bawat impormasyon na ating nakalap.
  Sa panahon ngayon hindi na nabibigyang importansya ang ibat ibang uri ng pag sulat. Tulad ng akademikong pag sulat na partikular nating ginagamit dahil sa pag kakaroon ng bagong wika na dulot ng makabagong teknolohiya.

Matriano, Giorgio Armani C.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Op bilang dalawa: Deskriptibong Abstrak

Op bilang Isa: Proseso ng pagsulat