Op bilang tatlo: Sintesis #1(Kronolohikal)
"Titser Annie"
Ang nakapaloob sa aking napanood ay tungkol sa isang guro na nagngangalang titser Annie at titser Cristel. Sila ay nailagay o naidestino sa sitio labo upang magturo sa isang pribadong paaaralan kung kaya't malaki ang pagbabago niyang ginawa sapagkat malayong malayo ang buhay na nakagisangan nila sa buhay ng kabihasnan sa buhay kabundukan. Anim na pu't-isang ilog at bundok na tarik at putim ang tinatawid ni titser annie upang makapunta sa Labo Elementary School. Walang takot niya itong sinusuong upang maturuan ang mga mamamayan sa sitio labo. Sa gitna ng aking napanood ay may isa g dalaga ang nakapukaw ng atensyob ng miyembro nila Kara David. Ito ay si Dina. Siya ay dalawangpo na taong gulang. Siya ay anak ni Vilma na buto't-balat at may sakit na dahil sa katandaan ay di na rin makalakad. Tatlong araw sa isang linggo lamang kung pumasok si Dina sapagkat siya ang tumatayong ina at ama sa kaniyang mga kapatid. Sinusuong niya ang liblib at tarik na daan upang makakuha ng saging. Sapagkat dahil sa yaman sa tubig, mayaman ang sitio labo sa saganang puno ng saging. Sa dalawang oras na pagkukuha ng saging ang dalaga ay nakakuha ng maraming saging at naibenta ito sa kapilig ng tumataginting na isang daan at apat na put apat na pesos. Sa pang wakas, kahit na malayo ang pharmacy at botika sapagkat nasa paanan pa ito ng bundom, walang pag aalinlangan niyang sinuong ito upang makabili ng mga gamot sa kaniyang ina. Sa kasamaang palad ay dalawang antibacterial at antibiotics lamang ang nagkasya sa kaniyang salapi at pinagpalit niya ito ng bigas at ulam upang magkaroon ng maiinom na gmot ang kaniyang ina. Habang Nag alok ang Deped ng mas maayos na trabaho sa kabihasnan para kay titser Annie ngunit sa bandang huli ay mas pinili pa din ng butihing guro na maglingkod sa sitio labo upang mas maturuan pa ang mga mangyan ng tamang edukasyon katulad ni Dina.
-Marichou G. Salugsugan
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento