Sa pagbuo ng sulatin, may mga prosesong sinusundan at ginagawa ang mga manunulat upang maisagawa ang mga mahahalagang bahagi sa pagbuo ng isang sulatin. Ang pagsulat ay isang instrumentong ginagamit sa pagpapahayag ng mga ideya, damdamin, kaisipan at iba't-ibang larangan sa pagbuo ng isang sulatin. Ito rin ay daan upang magkaroon ng isang malinaw na komunikasyon sa bawat isa. Ayon sa pagpapakahulugan, ang pagsulat ay isang sistema ng komunikasyong interpersonal na kung saan gumagamit ng simbolo at isinasalin gamit ang papel at panulat. Ang pagsulat ay isang resiprokal na proseso ng pakikipag komunikasyon na kung saan naipahahatid ng isang manunulat ang nais niyang ipabatid sa kanyang mga mambabasa. Ngunit umiinog ang pagsulat sa mga paksa, tema, at mga tanong na dapat mabigyang sagot para sa mga mambabasa upang mas malinaw na maipahatid ang mensahe. Nararapat lamang din na ang manunulat ay umaayon ang kaniyang ginagawang sulatin sa kaniyang i...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento