Op bilang anim: Spoken Poetry
ILUSYON
Nag-umpisa sa pagsalubong ng dalawang mata
Habang nag-iisa ay nakita kang walang kasama
At duon nagtagpo tayong dalawa
Ngunit ang tanong, Ipinagtagpo ba talaga tayong dalawa?
O, Ipinagtagpo lang pero hindi para sa isa't isa.
Nagkakasama, nagkikita ngunit hindi lubusang kilaka ang bawat isa
Hanggang sa tadhana na ang gumawa,
Gumawa ng daan para lubusan kang makilala.
At sa paglalim ng pagsasama
Lumalalim din ang nararamdaman sa bawa't isa.
Ilang araw ang lumipas noong magkasama
Masasayang ala-ala ang ating nagawa
Bawat mga salitang lumalabas sa iyong bibig
'Di ko mapigilang maniwala at kiligin.
Ngunit sa isang iglap, lahat ay nag iba
At para bang may nagbago sa ating dalawa
Ikaw ba ito? O ako? O baka tayo?
Ay oo nga pala! Nakalimutan ko,
Wala nga palang tayo
Dahil lahat ng ito ay isang malaki lamang kahibangan at Ilusyon.
Ang pait na marinig galing sa bibig mo
Na wala ng hihigit pa sa salitang "Magkaibigan lang tayo!"
Luha at patuloy na rumaragasa
Habang inaalala lahat ng ating ginawa
Isinara ang aking mga mga mata
Ngunit patuloy parin ang daloy ng luha
At di maipagkakaila
Boy! Miss na miss na talaga kita.
Patawad at paalam sa ilusyong ating ginawa
At oo, ngayon alam ko na! Alam ko na!
Na malupit ang tadhna,
Dahil ipinagtapo lang tayong dalawa,
Ngunit hindi inilaab para sa isa't-isa.
Boy, salamat sa alaalang ating ginawa ngayon,
Mahal, pinapalaya na kita.
-Marichou G. Salugsugan
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento