Op bilang pito: Editorial Cartoon
Ang mahalagang isyung tinutukoy sa aking editoryal cartoon ay ang mga trahedyang nangyayari sa laot. Marami sa atin ng napapatanong kung ano ang dahilan at biglang lumulubig ang mga sasakyang pandagat. Isa narito ang Mercraft na bago lamang nangyari ang paglubog noong nakaraan lamang. Patungo ito sa polilo island na mayroong dalawang daan at limang put isa (251) at mayroong pito (7) na crew men. Ayon sa PGC o Philipine Coast Guard sa araw na iyon ay walang nakaanunsiyong bagyo sa lugar at hindi rin daw overload ang barko. Pero nang may dalawang oras na ang naglayag biglang lumubog ang Mercraft. Sa aking opinyon kailangang maimbestigahan ang pangyayaring ito para hindi na maulit pa ang trahedya. Sapagkat ayon sa PGC, kung wala namang sama ng panahon at hindi overload, sa aking palagay ay maaaring hindi na seaworthy ang Mercraft kung kaya't bigla na lamang itong lumubog. Na katulad ng Doña Paz Tragedy kung saan sariwa pa sa ating isipan kung saan Apat na libo (4000) ang namatay. Nawa'y mabilis ang gawing pagsisiyasat sa problema sa laot. Iligtas ang mg pasahero na nais lamang makauwi at makapiling ang kanilang sariling pamilya.
-Marichou G. Salugsugan
-Marichou G. Salugsugan
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento