Matriano, Giorgio Armani C.
Op 7
      Ang larawang ito ay nagpapakita na ang ating bansa ay hindi patas sa bawat isa. Lalong lalo na sa may kapangyarihan at sa ordinaryong tao lamang. Ito ay isang malaking isyu sa ating bansa na kung saan ang mga may kapangyarihan ang nananaig.
     Ako ay hindi sang ayon sa mga hindi patas na tao na may kapangyarihan at ang mga nasa gobyerno.Dahil sinasamantala nila ang ating kaban ng bayan ,ninanakaw nila ito upang gamitin para sa kanilang pang personal na bagay.
    Kaya ang mga mamamayan na walang alam dito ay kanilang pinapaikot sa kanilang mga propaganda na maglilinis ng kanilang tunay na motibo.Ngunit may iba rin na nakikita ang ginagawa ng mga nasa puwesto na hindi patas ay wala naman silang magawa dahil hindi nila kayang labanan ang mga taong may kapangyarihan.
    Kaya kung tayo ay magboboto ng mga tao na ilalagay natin sa mataas na pusisyon, tignan nating maigi kung ang mga tao ba na ito ay karapatdapat para sa posisyonna iyon  Dahil hindi lahat ng nagsasabi ng mha mabulaklak na salita ay totoo ang iba dito ay pakitang tao lamang.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Op bilang dalawa: Deskriptibong Abstrak

Op bilang Isa: Proseso ng pagsulat