Marichou Salugsugan OP3
Op #3 (Pictorial Essay)
Multo! Multo! Ayan ang unang pumasok sa aking kaisipan ng malaman ko ang mga karanasang kinuwento ng aking mga kaibigan at kamag-aral na mas nauna pang mag retreat kaysa sa aming mga babae. Bago bumiyahe ay pumunta muna kami ng simbahan para mag laan ng oras sa diyos para sa maayos naming biyahe. Habang nasa biyahe ay maiingay ang ibang grupo ng kababaehan kung saan ang iba sa kanila ay naging kaklase ko noong nakaraang taon. Sa pag dating ng Cadipsa Center, Mendez. Sa unang pag atteng ng session ay masasabi kong nakakatawa ngunit hindi ko maipagkakailang boring nga at nakaka-antok. Sa pag sapit ng gabi napag diskitahan naming grupo na mag kuwentuhan at magbigay ng iba't-ibang opinyon kaugnay sa iba't-bang bagay at higit sa lahat ay opinyon ukol sa mga di gusto at nais naming kamag-aral. Tawanan at iyakan ang aming nagawa at masasabi kong dahil sa puso sa puso naming usapan ay mas napalapit ang loob namin sa bawat isa Sa pag liban ng lugar na iyon, masasayang ala-ala ang aming nagawa. Huling litrato na kaming lahat ay magkakasama para sa retreat 2018. Kasama ko dito ang buo kong kamag aral na babae. Kahit walang tulog at pagod sa biyahe ay mayroong ngiti na nakapaskil sa aking bibig na kahit kaylan ay di mapapawi dahil sa karanasang kanais-nais.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento