Marichou G. Salugsugan OP2
Op #2 Pagsulat ng lakbay sanaysay
"Tara na sa bohol"
Ang aking karanasan sa paglalakbay sa aming probinsya kasama ang aking buong pamilya. Natuklasan ko na mas marami akong kamag anak sa bohol kaysa dito sa cavite. Ang aming pag punta sa bohol ay masasabi ko na isang masayang ala-ala aming nagawa at nabuo na kahit anuman ay walang makakapantay. Magagandang tanawin ang aking nasaksihan sa unang pagtapak ko sa aming probinsya. Maaliwalas na kapaligiran, preskong hangin at Malinis na karagatan. Ramdam ko ang buhay probinsyana na kung saan ay malayo sa buhay manila. Kasama ko ang aking buong pamilya at pinutahan namin ng sama-sama ang mga lugar na kilala at patok sa masa na talaga namang sikat na puntahan sa bohol katulad ng sagbayan pick na kung saan ako unang nakakita ng tarsier at oo nga! Tama sila na hanggang kamao lamang ang laki nito at malaki ang mata. Ngunit ang mahigpit na pinagbabawal doon ay ang pag kuha sa camera ng may flash kung kaya't medyo malabo at madilim ang aking litrato kasama ang tarsier. At naligo din kami sa isa sa white beach ng bohol. Sa pag gamit ng limang senses ay nakatulong ito upang maranasan ko ang mga kanais nais na karansan sa aming probinsya
Marichou G. Salugsugan
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento