Op bilang Isa: Proseso ng pagsulat

   Sa pagbuo ng sulatin, may mga prosesong sinusundan at ginagawa ang mga manunulat upang maisagawa ang mga mahahalagang bahagi sa pagbuo ng isang sulatin. Ang pagsulat ay isang instrumentong ginagamit sa pagpapahayag ng mga ideya, damdamin, kaisipan at iba't-ibang larangan sa pagbuo ng isang sulatin. Ito rin  ay daan upang magkaroon ng isang malinaw na komunikasyon sa bawat isa. Ayon sa pagpapakahulugan, ang pagsulat ay isang sistema ng komunikasyong interpersonal na kung saan gumagamit ng simbolo at isinasalin gamit ang papel at panulat.
     Ang pagsulat ay isang resiprokal na proseso ng pakikipag komunikasyon na kung saan naipahahatid ng isang manunulat ang nais niyang ipabatid sa kanyang mga mambabasa. Ngunit umiinog ang pagsulat sa mga paksa, tema, at mga tanong na dapat mabigyang sagot para sa mga mambabasa upang mas malinaw na maipahatid ang mensahe. Nararapat lamang din na ang manunulat ay umaayon ang kaniyang ginagawang sulatin sa kaniyang interest, kaligiran, at pananaw upang mas mapadali sa kaniya na makipagpalitan ng mensahe sa kaniyang mambabasa at mas madali niya itong maipaliwanag ng maayos at hindi komplikado.
       Sa aking pananaw ang pagsulat ng sulatin ay nararapat lamang na bigyang formal at bigyang pansin ang mga gramatika upang mas mapabatid ng manunulat ang mensaheng nais niyang ihatid sa kaniyang mambabasa at bilang isang manunulat nararapat na may karanasan, kaalaman siya na maunawaan ang mga bagay bagay sa kaniyang paligid ng sa ganoon ay mas madali niyang maipaliwanang ito sa kaniyang mambabasa ng mabisa, maayos at hindi komplikado. Nararapat lamang din na ang manunulat ay bumase sa kaniyang mambabasa upang malaman niya ang limitasyon niya sa paggamit ng malalalim na salita.






-Marichou G. Salugsugan

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Op bilang dalawa: Deskriptibong Abstrak